Binawian ng buhay ang isang 68-anyos na lalaki habang nanonood ng live telecast ng laban nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Keith Thurman, sa loob ng isang covered court sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, Linggo ng tanghali.

LOLO

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Guillermo Eleazar, naisugod pa sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Salvador Abay, residente ng 60 Aratiles Street, Paradise, Barangay Malanday, Marikina City, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor, na hinihinalang dumaranas ng sakit sa puso.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na dakong 12:10 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Manotoc Covered Court na matatagpuan sa Estaquio Street, Barangay Sto. Niño.

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

Nasa kasagsagan umano ng panonood ang biktima ng live telecast ng laban nina Pacman at Thurman sa lugar, nang bigla na lamang itong mawalan ng ulirat habang nakaupo at tuluyang bumagsak.

Kaagad namang tumawag ng rescue at isinugod sa pagamutan ang biktima, ngunit patay na ito.

-Mary Ann Santiago