Binawian ng buhay ang isang empleyado makaraang madaganan ng tumagilid na pampasaherong jeep sa Quezon City, habang sugatan ang pito pang pasahero nito, ngayong Sabado ng umaga.

TIGOK SA JEEP Patay ang isang babae matapos madaganan ng pampasaherong jeep na sinalpok ng six-wheeler delivery van sa bahagi ng Timog Corner Scout Tobias, Quezon City, umaga ngayong Sabado. ALVIN KASIBAN

TIGOK SA JEEP Patay ang isang babae matapos madaganan ng pampasaherong jeep na sinalpok ng six-wheeler delivery van sa bahagi ng Timog Corner Scout Tobias, Quezon City, umaga ngayong Sabado. ALVIN KASIBAN

Naisugod pa sa ospital si Jocelyn Flores, 35, dalaga, empleyado at nakatira sa Makaturing Street, Barangay Manresa, ng lungsod, ngunit namatay din habang ginagamot sa Capitol Medical Center dulot ng tinamong matinding pagkalasog ng likod nang madaganan ng PUJ.

Sugatan ang mga pasahero ng Isuzu Jitney (PAB-386) na sina Amit Albent, Catherine Romeo, Jonatahn Baliane, Rosemarie Orgona, Aheryn Tupaz, Jaz Bagumbayan, at Dave Cordero.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple injuries at damage to properties sina Angel Fabrero, 53, driver ng jeep; at Alfred Gallosa, 41, driver ng truck (CAE-1961).

Base sa ulat ni Patrolman John Dave Mallillin, naganap ang aksidente sa kahabaan ng Timog Avebue dakong 7:40 ng umaga ngayong Sabado.

Binabaybay ng pampasaherong jeep ni Fabrero ang Timog Avenue patungo sa Scout Tuazon St., nang bigla na lamang itong salpukin ng truck na minamaneho ni Gallosa.

Sa lakas ng pagkasalpok sa likurang bahagi ng jeep, tumagilid ito, lumusot si Flores, at nadaganan ng sasakyan.

Jun Fabon