July 09, 2026

Home BALITA National

Llamas, tumiradang walang dating si Sen. Marcoleta!

Llamas, tumiradang walang dating si Sen. Marcoleta!
Photo courtesy: The Long Story, Senate of the Philippines

Bumuwelta ang political pundit na si Ronald Llamas na hindi naman daw “inspiring” si Sen. Rodante Marcoleta para ipaglaban siya ng maraming tao. 

Sa naging pahayag ni Llamas sa kanilang programa noong Biyernes, Hulyo 3, 2026, pinaliwanag niyang si Marcoleta raw ang pinakamataas na politikong miyembro ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC). 

“Ang kaibahan nito, ito ay tungkol kay Marcoleta. ‘Yong highest ranking Iglesia Ni Cristo member na makakasuhan at posibleng makulong,” pagsisimula niya. 

Ani Llamas, si Marcoleta raw ang unang beses na pinayagan ng INC na tumakbo sa posisyon sa gobyerno mula sa pagiging congressman hanggang sa maging senador ang huli at malinaw raw na isa itong political project. 

“This is a clear political project ng Iglesia kaya hindi puwedeng makulong si Marcoleta,” aniya. 

National

VP Sara dedma sa impeachment trial, nagtanim ng puno!

Diin ni Llamas, tila hindi raw medyo naging epektibo ang ikinasang surprise protest ng INC mula noong Hunyo 30 sa EDSA People Power Monument sa Quezon City hanggang sa paglipat ng mga ito sa Liwasang Bonifacio, Manila noong Huwebes, Hulyo 2. 

“Pero noong nagkaroon ng pagkilos, siguro mga sampung libo lang. Tapos noong lumipat sa [Liwasang Bonifacio], lalong lumiit. Baka dalawang libo lang. Kaya nagtiklopan na. Tingin ko, na-burst ‘yong bubble nila na dati ay talagang nagde-deliver sila. Partly siguro mayroong rally fatigue. Partly dahil hindi napaghandaan masyado,” ‘ika niya. 

Patutsada ni Llamas, tila hindi naman daw “inspiring” si Marcoleta para kawaan, depensahan, at ipaglaban ng mga tao. 

“Si Marcoleta, parang hindi naman siya ganoong ka-inspiring na figure na kakawaan ng tao para depenshan, ipaglaban,” tirada niya. 

“Parehas kami niyang asshole, e. Parehas walang magra-rally para sa amin. Tingin ko isa ‘yon. Hindi masyadong defining at saka compelling,” pagtatapos pa ni Llamas. 

Matatandaang opisyal nang nagsampa ng plunder case ang Office of the Ombudsman noon ding Biyernes, Hulyo 3, laban kina Marcoleta, dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, at dalawang iba pa. 

"This was not a decision made lightly or by choice. The evidence includes three cash donations totaling ₱75 million, undeclared in the senator's SALN and campaign finance reports," saad ng Ombudsman.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Let the facts and the law decide!' Ombudsman, may hanash sa kaso ni Sen. Marcoleta