July 09, 2026

Home BALITA

Sen. Robin, dinepensahan mga raliyista sa Canada

Sen. Robin, dinepensahan mga raliyista sa Canada
Photo Courtesy: Robin Padilla, HYenne Tan (FB)

Ipinagtanggol ni Sen. Robin Padilla ang ilang Pilipinong nag-rally sa Vancouver, Canada laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, noong Biyernes, Hulyo 3.

Ito ay matapos ang umano’y panggugulo nila sa kalagitnaan ng pagso-shoot ng reels ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa nasabing lugar.

"May mga ganiyang tao. May freedom of expression tayo pero hindi naman kailangang maging bastos. Pilipino kayo... hindi naman ganiyan ang ugali ng mga Pilipino eh," anang Palace Press Officer.

Ngunit ayon kay Sen. Robin Padilla, “Kung meron nagawa na kalapastanganan ang mga ralliyistang Pilipino sa CANADA hindi yan makalulusot sa mga pulis. Matibay ang Canada sa karapatan pantao.”

“Ako man ay Hindi naging kampante sa pagsalubong ng protesta sa Pangulo ng Pilipinas. Sa katotohanan ay nalungkot din ako para sa Pangulo maging sino man siya,” dugtong pa ng senador.

Probinsya

8 paaralan sa Pampanga, nakatanggap ng bomb threat!

Mungkahi ni Sen. Robin, kaysa halukayin ang pagiging Pilipino dahil sa nangyari, mas maganda raw kung pag-isipan at pag-usapan kung paano maghilom ang sugat ng bawat Pilipino sa loob o labas man ng bansa.

Matatandaang ang apat na araw na official visit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.  sa Vancouver ay bahagi ng imbitasyon ni Canadian Prime Minister Mark Carney.

Layunin nitong pagtibayin ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Maki-Balita: 'Sila yung sinungaling!' Usec Castro, pumalag na sinabihang pangit at sinungaling pa