Tumaas ng 45%, o pumalo sa 11.1 milyon, ang mga Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, makaraan ang napakalaking pagbaba ng nasabing bilang sa nakalipas na tatlong quarters, ayon sa bagong SWS survey.

PALABOY Nakaupo sa Delpan Bridge sa Maynila ang matandang palaboy. CZAR DANCEL, file

PALABOY Nakaupo sa Delpan Bridge sa Maynila ang matandang palaboy. CZAR DANCEL, file

Batay sa resulta ng huling survey ngayong Sabado, tumaas ng 7 percentage points mula sa record-low na 38%, o 9.5 milyong pamilya noong Marso 2019, ang nagsabing naghihirap sila.

Ang pagdami ng Self-Rated Poor (SRP) families ay kasunod ng 14-point decrease sa nakalipas na tatlong quarters—mula sa 52% noong Setyembre 2018, na naging 50% noong Disyembre, at bumaba pa sa 38% noong Marso.

National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Natukoy din sa survey, na ginawa nitong Hunyo 22-26, na nasa 35%o nasa 8.5 milyong pamilya, ang nagsabing ang pagkain nila ay para sa mahirap, o tinawag ng SWS na “Food Poor”.

Tumaas ito ng walong puntos mula sa record-low 27%, o 6.8 milyong pamilya, sa survey noong Marso 2019.

Beth Camia