MATAGAL nang dream ng comedian-actor na si Michael V ang makapag-direk ng pelikula.

Dawn at Bitoy

Para sa telebisyon, ang maging creative director ng longest-running gag show na Bubble Gang at ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto ay para na ring nagdidirek si Bitoy.

Kaya finally ay natupad na ang dream na ito ni Bitoy nang makipag-co-produce siya at ang wife niyang si Carol Bunagan—ng kanilang Mic Test Entertainment, Inc. with GMA Pictures—sa Family History.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

This time, hindi lang producer si Bitoy ng pelikula, kundi scriptwriter, director, at aktor pa.

Katambal niya si Ms. Dawn Zulueta sa pelikula, na kahit anong usisa namin kay Direk Bitoy ay ayaw niya talagang sabihin ang kabuuan ng story.

“It’s up to the moviegoers na malaman nila kung ano ang story, at kung ano ang aral na gusto naming paratingin sa kanila,” sabi ni Bitoy.

At tiyak na nagustuhan ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Family History, dahil binigyan ito ng Grade B, plus ang magagandang reviews sa pelikula.

Ang pagkakaroon ng Grade B mula sa CEB ay nangangahulugang makakakuha ng 65% tax rebate ang isang pelikula, alinsunod sa Section 13 ng RA 9167, ang batas na lumikha sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), na nakasasaklaw sa CEB.

Sa video post ni Bitoy sa Facebook nitong Miyerkules, quoted ang mga papuring tinanggap ng Family History mula sa mga napanood nito:

“An effective film sensitivity directed by Michael V.”

“A very unexpected and wonderful turn of events that makes the story so heartwarming.”

“The director doesn’t forget that the film is essentially fun.”

“A credible family drama with the unique Michael V touches of comedy.”

“The characters are well delineated and the dialogue was natural.”

“Michael shows his versatility while Dawn was constantly convincing.”

“Nice to see that not everything has to be a rom-com for millennials.”

“Michael V shows great potential as a director.”

“Touches family relations from different angles. A must see for everyone.”

Bukod kina Bitoy at Dawn, tampok din sa Family History sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, with Nonie Buencamino, Paolo Contis, John Estrada, Ina Feleo, Kakai Bautista, Mikoy Morales, with the special participation of Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and multi-award comedienne-TV host Eugene Domingo.

May premiere night ang Family History cast sa July 23, at opening day on July 24, in cinemas nationwide.

-NORA V. CALDERON