KUNG walang boyfriend ngayon si Arci Muñoz, sinabi niyang okay sa kanya ang open relationship, gaya ng gagampanan nila ni JC Santos sa entry nila sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang Open, na magsisimulang mapanood sa Metro Manila sa Setyembre 13-19.

Cast ng 'Open', kasama si Ms Liza ng FDCP

“Oo kung wala akong boyfriend ita-try ko siguro, adventurous ako, eh,” ani Arci.

“Pero kung meron, hindi ko gagawin siyempre. Unlike dito sa movie na 14 years na kaming mag-dyowa tapos nag-open relationship.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

“Pero parang dating lang din naman ‘yang open relationship, eh. Collect and collect and select the best lang ‘yan. Ganu’n lang,” paliwanag ni Arci.

Pero sa estado ng relasyon ngayon ni Arci sa Chinese businessman boyfriend niya ay nakikinita na raw niyang makakatuluyan na niya ang guy, at napag-uusapan naman daw nila ang kasalan, pero wala pang nagaganap na proposal.

Nabanggit noon ng aktres na gusto na niyang magkaanak. “Oo, kasi gusto ko ng chinitong anak. Ganu’n kasi ako ‘pag pumasok ako sa isang relasyon, nakikita ko ‘yung tao na siya na ang makakasama ko for the rest of my life,” katwiran ng dalaga.

At kung mag-aasawa na sina Arci at Anthony Ng (boyfriend niya) ay hindi naman siya nito pagbabawalan sa career niya.

“Tuloy pa rin, hindi ko raw kailangang huminto sa showbiz. Ituloy ko lang kung ano ang ginagawa ko. Okay lang din ang may kissing scenes. Supportive kasi ‘yun, pero para sa akin may limitasyon na.”

Samantala, sa pelikulang Open ay pinuri niyang katrabaho si JC dahil cool lang daw ang aktor.

“Parang nakikita ko si JC sa mga kaklase ko sa UP, kasi teatro rin siya. Madalas kaming nagkukuwentuhan tungkol sa Disney princess since mahilig ako sa ganun. Nagtrabaho kasi siya sa Hong Kong Disneyland at Universal Studios.

“Amazed ako, sabi niya, ‘alam mo masisira ‘yung (pagtingin) mo sa kanila (Disney princess), ‘wag kang magtatrabaho sa Disney.’ Kasi makikita mo raw ‘yung mga princess nagyoyosi mga ganu’n.

“Very professional ‘yan si JC, grabe! Walang reklamo kahit makita ko na lahat, wala sa kanya, ang cool lang niya,” kuwento ni Arci.

Anong lesson ang hatid ng pelikulang Open?

“To love each other. If you meet someone special o person, hold on to that person ‘wag mo nang pakawalan. ‘Wag ka nang maghanap ng iba pa, 14 years sila (mga karakter nila ni JC) together,” sagot ni Arci.

At sa mga love scene ay si Arci pa ang nagpoprotekta kay JC.

“Kasi, ano, nahihiya sila. Lahat ng naka-loveteam ko, ako ang pumoprotekta. Gusto ko ma-feel nila na wala akong kiyeme, okay lang kasi eksena ‘yan.

“Tulad ng mga eksenang alam mo na, sabi ko, ‘JC, gawin mo na parang one take lang lahat. Kiss kung kiss, yakap kung yakap, ganu’n.

“Saka hindi ako naiilang sa kanya nu’ng naka-brief lang siya, dahil nu’ng wala nga hindi ako nailangan, eh,” natatawang kuwento ng dalaga.

“Prinotektahan naman ako ni Direk, dahil kung hindi lagot ako sa mama ko. Talagang pupunta talaga siya. Sabi ko kay Direk (Andoy Ranay), si JC na lang (maghubad), kasi talaga, promise, pupuntahan siya ng nanay ko,” natatawang kuwento pa ni Arci.

-REGGEE BONOAN