Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang Pilipino na nawawala habang naglalaro sa Freedom Beach sa Phuket, Thailand sa kasagsagan ng bagyo, nitong Hulyo 17.

MISSING

Ito ang inihayag kanina ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok, na aktibong mino-monitor ang kaso ng nasabing dalawang Pinoy.

Ipinabatid sa DFA ni Ambassador to Thailand Mary Jo Bernardo-Aragon na ang insidente ay ipinaalam ng Royal Thai Police at ng grupo ng mga turistang Pilipino sa Phuket sa embahada.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Kaagad na nagsagawa ng representasyon ang Embahada sa Thai Police at nakipag-ugnayan sa mga Pilipino, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Aragon, muling itinuloy ng mga awtoridad ang ikinasang rescue operations upang hanapin ang nawawalang dalawang Pinoy, nitong Huwebes.

Patuloy aniya ang koordinasyon ng embahada sa mga awtoridad para sa nasabing kaso, gayundin ang pagtugon sa pangangailangan ng pamilya at kaibigan ng dalawang Pilipino.

Sa report, naglalaro sa beach ang dalawang Pinoy sa kasagsagan ng malakas na bagyo nang bigla silang tangayin ng malalaking alon hanggang sa tuluyan na silang nawala.