Iminungkahi kahapon ng isang kongresista na gawing P25,000 kada buwan ang suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.

TEACHER'S PAY

Ito ang iginiit ni BH-Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Sa kanyang House Bill 2027, hiniling din nito na gawing P16,000 kada buwan ang suweldo ng bawat ordinaryong kawani ng pamahalaan.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Sa kanyang panukala, dapat hindi bababa ng P16,000 bawat buwan ang sahod ng isang regular entry-level position sa gobyero.

Ang entry-level salary ng mga guro sa kolehiyo at unibersidad ng pamahalaan ay hindi bababa sa P27,000 kada buwan.

Layunin din ng panukala na itaas ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) na ipinagkakaloob sa lahat ng empleado ng gobyerno para maging P5,000. Dati ay P2,000 ang tinatanggap ng mga empleado.

Ang PERA ay tatawagin ngayon bilang Augmented Personnel Economic Relief Allowance (APERA).

"The paltry salary increases it provides to lower- and middle-level government employees are insufficient to provide a decent standard of living for their families," sabi pa ng kongresista.

-Bert de Guzman