Nakasilip ng malaking pag-asa si Filipino pole vaulter Ernest John Obiena na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon matapos na umangat ang pwesto nito sa World Rankings nang magwagi ng gintong medalya katatapos na World University Games sa Napoli, Italy nung nakaraang linggo.

Ernest John Obiena

Ernest John Obiena

Umakyat sa ika-13 puwesto si ang 23-anyos na si Obiena ayon sa bagong ranking na inilabas ng International Association of Athletics Federation (IAAF) kung saan ay naungusan nito si Torben Blech ng Germany na may parehong results score na 1201.

Hangad ni Obiena na mapapanatili niya ang kanyang posisyon sa World ranking at nagbabakasaling makasikwat ng ginton g medalya para sa Olimpiyada.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Maaring makasingit ng puwesto si Obiena sa dalawang tsansa na mayroon siya, ito ay ang mapanatili ang pwesto sa top 32 lists kung saan kukunin ang mga lalahok, at ang makuha ang qualifying mark na 5.80m, kung saan kinulang lang ito ng 4cm. Kinakailangan nitong makuha ang nasabing rekord mula Mayo 1 ngayong taon hanggang June 29, 2020.

“Technically, I am qualified in the Olympics as long as I stay at the top 32 lists,” pahayag ni Obiena sa panayam rito ng Bulgar. “I am aiming for it and I know it would not be easy, I hope I can achieve it,” ani Obiena.

Galing sa ika- 17th place noong magwagi si Obiena sa Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar nitong nakalipas na Abril bago pa man ang Universiade.

“Against all odds. This is the World stage and it has been my dream to represent the Philippines in the world since I was a kid,” aniya.

Ito ang unang beses na magwagi sa isang world stage ang University of Santo Tomas trackster, matapos itong gumawa ng maraming record sa Pilipinas, habang binasag nya ang kanyang personal best sa Asian Athletics championships na 5.71m sa Doha, Qatar nitong nakalipas na Abril.

Sinabi ni Obiena na muli siyang lalahok sa Meeting Citta Di padova sa July 16 sa Italy at sa Germany sa july 20-24, habang sasabak rin ito sa World Championships sa Doha, Qatar sa Setyembre 27 hanggang Oktubre.

Noong nakalipas na 2016 Rio Olympics, ibinandera nina Marestela Torres ng women’s long jump, Mary Joy Tabal ng women’s marathon at Eric Shauwn Cray ng men’s 400m hurdles ang bansa.

-Annie Abad