Nagpakitang gilas ang mga koponan ng General Santos, Batangas at Cebu nang sumungkit ito ng panalo sa kani-kanilang mga laban sa pagpapatuloy ng MPBL Lakan Season Lunes ng gabi.
Ang Warriors ay nanig sa kabila ng kawalan ng kanilang ace player na si Mike Williams at pinigilan ang apat na sunod na panalo ng Valenzuela Classic sa isang kumbinsidong 93-87 panalo sa Valenzuela Astrodome.
Pinangunahan ni Rob Celiz ang Warriors sa kanyang naitalang 25 puntos at nagtala ng 12 sa 23 three point shots na kanyang naibato.
Nakakuha naman ng supports si Celiz buhat sa double-double rekord ni Pamboy Raymundo sa kanyang 14 puntos at 12 assists habang si John Orbeta naman ay nag-ambag ng 12 puntos, at si Meylan Landicho ay may 10 puntosd para sa Warriors na nagbigay ng 4-2 win-loss record dito.
“It’s not easy to win without Mike Williams, who is our No.1 scorer and No. 2 bets playmaker,” ani coach Rich Alvarez.
Nauna dito ay pinatob naman ng Batangas City ang kalaban na Basilan Steel sa kanilang 101-89 panalo upang makabawi sa pagkabigo noong nakaraang laro nito.
Samantala, sumandala naman ang Cebu sa lakas ni Will McAloney, na nagbuslo ng mga importanteng puntos sa huling tatlong segundo ng laro, matapos na biguin ang Iloilo United Royals sa iskor na 69-68.
Isang jumper buhat kay McAloney na nagbigay ng foul kay Eric Rodriguez ang siyang naging susi ng panalo ng Cebu sa nasabing labanan.
-Annie Abad