Hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ang isang taong gulang na lalaki ng umano’y lasing na obrero sa ika-34 na palapag ng isang abandonadong gusali sa Makati City, Miyerkules ng umaga.

Agad namang inaresto ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Gerald Reparip, nasa hustong gulang, binata, laborer, stay-in sa barracks na matatagpuan sa Cabulusan St., Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman umano si Reparip sa tiyuhin ng biktima na nagdiriwang ng kaarawan nito, kasama ang iba pang mga kaibigan sa ikapitong palapag ng abandonadong gusali kung saan tumutuloy ang pamilya bilang caretaker nito.

Batay sa pahayag ng ina ng bata huli niyang nakita ang anak na kasama ng suspek na bumibili sa kanilang kapitbahay bandang 8:00 ng gabi nitong Martes.

Metro

Isko Moreno Domagoso, nanumpa na bilang bagong-halal na alkalde ng Maynila

Hindi na umuwi ang bata kaya nagpasya ng ina at ng mga kapitbahay na hanapin ang kanyang anak bandang 12:30 ng madaling araw, dito na natagpuan ang bata na nakahandusay sa ika-34 na palapag ng gusali.

“There was a big wood on top of the baby. Upon lifting the wood, they saw that the baby’s diaper was removed, and found near him,” pahayag ni Major Gideon Ines Jr., Makati Police Investigation Unit chief.

Isinugod pa ang biktima sa Sta. Ana Hospital subalit binawian ng buhay dahil sa hematoma sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa panayam sa ina, wala umanong suot na underwear ang kanyang anak nang dalhin nila sa pagamutan kaya naghinala ang mga imbestigador na inabuso ang bata.

“The butthole of the baby expanded. Also, there are bruises all over his body. Reparip also admitted punching and strangling the victim,” ayon kay Ines. “We also saw semen coming out of the boy’s butthole.”

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2, inaresto ang suspek matapos iturong huling kasama ng biktima.

Nakitulog pa umano ang suspek sa pamilya ng biktima at nang tanungin ng mga awtoridad ay ikinatwiran nitong lasing siya at hindi niya matandaan ang nangyari.

Sa pagsusuri sa katawan ng suspek, nakitaan na may mga bahid ng dugo ang underwear nito.

Nakatakda nang isailalim sa DNA examination ang dugong nakita sa suspek upang matukoy kung sa biktima ito.

Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Makati Police ang suspek, habang patuloy ang pagsisiyasat sa kaso.

-Bella Gamotea at Jel Santos