MAGBABALIK ngayong Miyerkules si Alden Richards sa Tonight With Arnold Clavio, para magkuwento tungkol sa mga behind-the-scenes ng kanyang pelikula with Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye.

Sa muli niyang pagbisita sa TWAC, haharanahin din ni Alden ang kanyang fans at iimbitahan ang mga itong manood ng Hello, Love, Goodbye sa July 31.

Makikisaya rin si Alden sa iba’t ibang games na paandar ni Arnold Clavio, na magbubuking sa aktor tungkol sa mga bagay na game siyang gawin, at ang mga hinding-hindi niya gusto.

Handa bang magpa-tattoo si Alden, gumanap ng sexy role, at kung anu-ano pa?

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Samantala, totoo bang may nagpapasaya na raw sa tinaguriang Pambansang Bae?

Gayunpaman, isasabak muna siya ng TWAC sa kuwelang dating game! Sinu-sino kaya sa mga naggagandahang searchee ang magwawagi sa puso ni Alden?

Makikisaya rin sa TWAC ang co-stars ni Alden sa Hello, Love, Goodbye na sina Lovely Abella at Kakai Bautista.

Ibabahagi ng dalawang aktres ang kanilang unforgettable moments sa shoot nila sa Hong Kong, with Direk Cathy Garcia Molina at the helm.

Para mas maging fun pang lalo ang episode na ito, maglalaro ang guests ng “Sipit Game” kasama si Igan!

Siguradong kilig to the max ang episode ngayong Miyerkules, kaya tutok na sa Tonight with Arnold Clavio, 7:15 pm, sa GMA News TV.