PUMIRMA ng kontrata sa ABS-CBN Films si Kit Thompson nitong Huwebes, July 11, para sa gagawin niyang movie with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Kasama rin nila sa nasabing project si Vhong Navarro.

Pia at Kit

Nakasabay ni Kit sa pagpirma ng multiple contract sa ABS-CBN Films sina Alyssa Muhlach, Angelina Cruz, na anak ni Sunshine Cruz, at sina Jameson Blake at Bryce Ramos.

Ang Pia-Kit project ang ikatlong pelikula ni Kit ngayong taon, bukod sa Belle Douleur for Cinemalaya Film Festival 2019 (August 2-11), at sa Momol Nights sa iWant.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“May isa akong project with Pia and Vhong Navarro. It’s gonna be comedy, kind of like dark comedy from Black Sheep,” sabi ni Kit sa isang panayam.

Ayon pa sa Kapamilya actor, ongoing na ang shooting ng still untitled film, at wala pa ring inihahayag na play date.

Matatandaang dati nang na-link ang dating Pinoy Big Brother housemate sa ikatlong Pinay Miss Universe, pero pinabulaanan niya ito sa panayam sa kanya ni Boy Abunda noong Mayo ngayong taon.

Sa nasabing guesting sa Tonight With Boy Abunda, nilinaw ni Kit na magkaibigan lang sila ni Pia.

Samantala, excited na rin si Kit sa mga nakahaing proyekto ng ABS-CBN Films para sa kanya.

Mapapansing nalilinya siya ngayon sa sexy roles, gaya ng huling dalawa niyang pelikula.

Bilang may pagiging kakaiba at “daring” na tema, masaya naman daw ang aktor sa mga challenging at hindi ordinaryong roles na iniaalok sa kanya.

“I always want to do something that’s not ordinary, not so animated, I wanted to be more realistic. Something that people can connect with and understand, and not something that’s just you see that obviously fake,” ani Kit.

-Ador V. Saluta