DESISYON naman pala ni Sharon Cuneta kung bakit hindi na siya coach ng The Voice Kids at hindi totoo ang mga isyu na binitiwan umano si Sharon ng ABS-CBN. Pati ang tweet ni Lea Salonga na tungkol sa chair na hindi nasira ay binigyan ng iba at maling kahulugan at sini-shade raw nito si Sharon.
May nagtanong kay Sharon kung bakit hindi na siya kabilang sa coaches ng The Voice gayung siya ang nagpapasaya sa show, at kung wala siya ay magiging boring daw ang bawat episode.
“I cannot stand the stress kasi. I become so attached to the kids and it weighs heavily on my heart ‘pag kailangan na mag-eliminate. Nu’ng May ko pa sinabi kay Mr. M yon,” sagot ni Sharon.
Sa ngayon, walang show sa ABS-CBN si Megastar pero busy pa rin ang schedule niya. Gaya ngayon, pinaghahandaan nila ni Regine Velasquez ang kanilang back-to-back concert sa October. Nag-pictorial na ang dalawa pero wala pa ring nire-release na title ng concert.
-NITZ MIRALLES