Magpapatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis sa bansa bukas, Martes.

PRICE HIKE

Sa pahayag ng Pilipinas Shell, epektibo ang nasabing price incresease ngayon, dakong 6:00 ng umaga.

Ayon sa nasabing kumpanya, magtataas ito ng P1.05 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.70 naman sa diesel at kerosene.

National

VP Sara sa PMA graduates: ‘Wag maging kasangkapan ng pagtatraydor ng mga nasa kapangyarihan’

Hindi naman nagpahuli ang Seaoil, Flying V at Petron sa kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo bukas din.

Ang Petro Gazz at PTT Phils. ay magpapatupad din ng kahalintulad na taas-presyo sa gasolina at diesel, bukas.

Ang bagong price adjustment ay  bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng gasolina habang ikaapat na beses naman sa diesel at kerosene.

Kung susumain ang pagtaas ng gasolina mula Hunyo 18, 25, Hulyo 2, 9 at 16, umabot na ito sa P3.15 habang P2.40 naman ang nadagdag na sa diesel at kerosene.

-Bella Gamotea