Nangangailangan pa ang Angat Dam ng 350-millimeter (mm) buhos ng ulan upang maabot ang 180-meter minimum operating level nito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

TUBIIIIG

Mula nitong nakalipas na linggo, patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig ng naturang water reservoir at nananatiling mababa sa 160-meter critical level.

Nitong Lunes ng umaga, nasa 158.75 metro ang lebel ng tubig nito, mas mababa sa 159.15 metro, nitong Linggo.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

Paliwanag ni PAGASA hydrologist Richard Orendain, kailangan ng dam ng “350 mm one-time rainfall event” upang maabot ang operating level nito.

Kailangan din nito ng 1,160 mm tubig-ulan na katumbas ng apat hanggang limang bagyo, upang maabot nito ang 210-meter normal high water level.

Bagamat hindi inaasahang direktang dadaan ang bagyong Falcon sa Angat Watershed sa Bulacan, maaaring makapag-ambag ang southwest monsoon o “habagat” upang makarekober ang dam, ayon kay PAGASA Weather Division chief Esperanza Cayanan.

“So far, our forecast shows that the rainfall over the watershed will not reach the 350-mm rainfall from monsoon rains alone, but there are still thunderstorms that may also help increase the Angat Dam’s water level,” paliwanag ni Cayanan.

Ayon sa PAGASA, kalimitang bumabalik sa normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa pagtatapos ng Hulyo hanggang Agosto.

-Ellalyn De Vera-Ruiz