NAKAUSAP ng entertainment press ang boyfriend ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli sa grand mediacon ng “Sun Life Kaakbay Stories of Lifetime Partnerships”, na bagong ad campaign ng nasabing financial company.

Sarah at Matteo

Walang one on one interview, dahil tipong nagmamadali ang lahat at medyo mahigpit ang ilang nakabantay sa mga endorsers ng Sun Life, kabilang si Matteo at sina Piolo Pascual, Enchong Dee, Iñigo Pascual at Madam Charo Santos.

Karamihan ng itinanong kay Matteo ay tungkol sa katatapos lang na training niya sa Philippine Army bilang reserve officer.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Matatandaang dumalaw pa nga si Sarah sa training camp ni Matteo at napa-dialogue pa ng “iuuwi na kita”, nang makita ang sitwasyon ng aktor sa kampo.

So, ano ba ang number one priority ngayon ni Matteo, ang maging sundalo sooner than soon, ang pag-aartista cum singer, o si Sarah?

“Sarah is number one, always a priority,” paglilinaw ni Matteo sa amin.

Marami raw natutuhan at nabago kay Matteo simula nang matapos niya ang isang buwang training.

“’Yung pinaka-learning ko dun, ma-enjoy ‘yung pinaka-basics sa buhay. Kahit nasa bundok ka ng apat na raw, or nang isang linggo, ‘yung hangin lang parang nasa heaven ka, para kang nasa isang five-star hotel.

“Isa pang natutuhan ko ay ang respeto sa mga sundalo. Pero kahit nu’ng civilian pa ako ay sobrang inirerespeto ko ang mga sundalo.

“Kasi ‘yung respeto nila para sa bayan, ‘yung respeto nila sa pamilya nila, to protect you, to protect us…grabe ang respeto ko sa kanila.”

Nilinaw din nitong si Matteo na bilang Army reservist ay hindi sila sasali sa giyera. Pero kung dumating daw sa puntong kinakailangan ay gagawin niya ito bilang pagmamahal sa ating bansa.

Well, with that, we salute you, Matteo Guidecelli! At sana lang pati mga naging kaibigan mo sa Army ay hikayatin mong sumali sa “Sun Life Kaakbay Stories of Lifetime Partnerships” para if ever ay may aanihin pa rin tagumpay ang kani-kanilang pamilya, devah naman, Ms. Thess Gubbi or Star Magic? ‘Yun na!

-MERCY LEJARDE