INAMIN ni Direk Cathy Garcia-Molina na hindi pa niya last project ang Piolo Pascual-Claudine Barretto movie na produced ng Star Cinema dahil may isang personalidad na malapit sa puso niya ang hindi niya matanggihan.

Direk Cathy (Piolo, Claudine)

Kaya ang planong bakasyon sa showbiz ni Direk Cathy ay naantala na naman.

“Actually, dapat last project ko sina Piolo at Claudine, ‘yun talaga, pangako ko ‘yun kay Pidyong (tawag niya sa aktor). Pero (sabay buntong hininga) mukhang gagawa pa ako ng isa pa.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“Kaya may isa pang taong malapit sa puso ko hindi ko kayang hindian, naku mapapatay ko ‘yun, eh,” napangiting sabi nito sa ilang entertainment press na nakapanayam niya pagkatapos ng presscon ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na produced ng Star Cinema at mapapanood na sa Hulyo 31 nationwide.

Binanggit kaagad ang pangalan ni John Lloyd Cruz dahil alam naman ng lahat na sobrang malapit sa puso ni Direk Cathy ang aktor na matagal nang nakabakasyon, pero may mga on the side siyang TVC shoot.

“Ayokong sabihin kung sino dahil hindi pa rin sure kung kanino ibibigay talaga (pelikula),” kaswal na sabi ng direktora.

Pero sa kalaunan ay inamin ni direk Cathy na hindi si John Lloyd ang ididirek niya bago siya magbakasyon.

“Nag-usap kami ni Lloydie kasi na hindi kami gagawa ng pelikula ngayon. Pagbalik ko, siya ang first film ko, ‘yun ang usapan namin,” pag-amin nito.

Hindi rin kami masagot ng diretso kung ilang years ang bakasyon niya, “hindi ko masabi, eh.”

Hirit namin ulit kung kasama sa bakasyon niya ang pagpapakasal, “oo sana, kasi tumawag si Lloydie sa akin bago ko simulan ang pelikulang ito, nagulat nga ako, eh. Sabi niya, ‘ano ‘tong nababalitaan kong magre-retire ka na?’ So natuwa naman ako (kinumusta niya ako), so ang usapan namin, pagbalik ko (gagawa sila ng pelikula).”

Dagdag pa, “So iba ‘tong importanteng taong ‘to na ginugulo ang buhay ko, mahal ko lang talaga! Kaya hindi ko mahindian.”

Binanggit namin ang pangalan ni Daniel Padilla na siya ang last project ng direktora bago magbakasyon.

“Hindi pa alam, pero tingnan natin.”

Tungkol naman sa pagreretiro niya, “Sabi ko naman itong pag-retire kong ito para lang samahan ang mga anak ko. Maybe when they’re big enough at sa kanila na rin manggaling na ‘ma, balik ka na (showbiz)’, ito ang buhay ko, ang paggawa ng pelikula.”

Sa madaling salita, totoo ang sinabi ni Piolo nang makausap namin sa Sun Life event na magpapahinga lang si Direk Cathy at hindi totoong iiwanan na nito ang paggawa ng pelikula.

“Oo, baka leave lang,” patotoo naman ng direktora. “Oo, sana ganu’n lang, kasi maiinggit ako kapag may pelikulang ipalalabas na hindi ako ang direktor.”

For the record ay sa huling linggo ng Agosto ang target shooting ng Piolo at Claudine movie at ang showing nito ay sa Nobyembre.

Tinanong namin kung saan ba talaga ang shooting ng pelikula kung sa Florence (Italy) o Prague (Czech Republic)?

“Dapat Florence, mukhang magpa-Prague kami, nothing is final,” sagot sa amin.

Sabi ni Piolo ay hindi sequel o karugtong ng Milan ang bago nilang pelikula ni Claudine kaya tinanong namin si Direk Cathy kung ano ang gist nito.

“Ay naku, kuwento ni Direk Olive Lamasan ‘yun na matagal na matagal na. Ako’y very thankful na maipapamigay (ipagkakatiwala) niya sa akin ang kuwento. Gustung-gusto ko ang kuwento nito, this is very different, something new for both me and Pidyong,” pahayag ng direktor.

Nabanggit din na bago gumiling ang kamera ng Piolo at Claudine ay magpa-pilot shoot muna ng teleserye si Direk Cathy.

“Pilot lang ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), pero baka September (pa),” pag-amin pa sa amin.

-REGGEE BONOAN