MARAMING programa sa ABS-CBN na hindi na namin regular na napapanood lalo na kapag wala kami sa bahay bukod pa sa nagloloko ang signal ng TV Plus sa lugar namin.

Mabuti na lang at may IWant na naiirita kami noong una dahil ang hirap i-download bukod pa sa mahirap ding mag-log in dahil kung anu-anong tinatanong. Marahil ganito rin ang feedback na natatanggap ng ABS-CBN kaya siguro in-update ang application dahil ang dali na ngayon at ang bilis na rin, depende sa internet provider.

At dahil nga lagi kaming wala sa bahay ay doon na namin napapanood ang mga seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, The General’s Daughter, Mea Culpa: Sino Ang May Sala, Idol Philippines at sisimulan palang namin ang Book 3 ng Kadenang Ginto.

Hindi na namin pinapanood ang TV Patrol kapag hindi namin naabutan sa regular na oras dahil naaabutan naman namin ang Bandila na pareho rin lang naman ng laman hanggang sa O-Shopping na.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

At higit sa lahat, nae-enjoy naming panoorin ang mga digital movies na hindi napapanood sa mga sinehan at ilang buwan lang ang bibilangin ay mapapanood na rin ang mga blockbuster movies sa halagang P30 pesos lang.

“Ang mahal ng bayad sa sine ngayon, sa IWant thirty pesos lang. Ilang buwan lang naman ang pagitan,” ito ang saktong sabi ng mga nakakausap namin.

-REGGEE BONOAN