MARAMI ang natuwa sa balitang kasama na si Regine Velasquez sa cast ng Viva Films at The IdeaFirst Company movie ni Sarah Geronimo na Unforgettable. Ipinost ni Direk Jun Lana ang photo nina Sarah at Regine habang kausap ni Direk Perci Intalan yata (hindi makilala dahil nakatalikod) at positive ang reaction ng netizens.

Regine at Sarah

Tama ba kami na first movie ito nina Regine at Sarah na magkasama? Kaya hindi nakakagulat kung hindi lang ang fans ng dalawa ang excited, pati ang mga taga-showbiz industry, dahil minsan lang mangyari ito.

Sinimulan ang shooting ng Unforgettable na sina Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial, at Gina Pareño ang kasama ni Sarah, sa day nine ng shooting na pumasok si Regine.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi pa alam ang role at karakter ng buong cast dahil wala pang nakakapag-interview sa kanila. Pansin namin, walang binabangit ang Viva Films at The IdeaFirst Company na leading man ni Sarah, baka gugulatin na lang tayo.

-Nitz Miralles