Nakatakdang magsagawa ng malawakang clean-up operation ang local government ng Kalibo upang maiwasan magkaroon ng dengue outbreak.
Sa isinagawang pulong balitaan, inanunsyo ni Terence Toriano, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRRMO) na magtutulungan ang mga mamamayan ng nasabing lugar upang hindi na magkaroon ng outbreak ng dengue.
Sa rekord ng Provincial Health Office, nasa 394 na pinaghihinalaang kaso ng dengue ang naitala sa Kalibo ngayong taon. Sa nasabing bilang, dalawa na ang namatay.
Paliwanag nito, nababahala ang lokal na pamahalaan sa dumaraming kaso nito kaya nagplano silang magsagawa ng clearing operation kung saan tutukuyin ang mga lugar na madalas na pamugaran ng mga lamok.
-Jun N. Aguirre