BUSY ngayon si Alden Richards sa pagpo-promote ng movie nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye, na first team-up nila, under Star Cinema.

Alden

Sa July 31 na ang showing ng movie, na may international screening hanggang sa Setyembre.

Kinuhanan sa Hong Kong ang malaking bahagi ng pelikula, at matatandaang para sa kanyang role—bilang OFW—ay kinailangan ni Alden na magpapayat, at nagpahaba rin siya ng buhok.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ngayong Martes ang presscon ng Hello, Love, Goodbye at posibleng matanong si Alden tungkol sa iniintrigang pagpapapayat niya.

Iniintriga kasi ng mga bashers ang pagpayat ni Alden, at hindi sila naniniwalang diet at workout lang ang ginawa ng aktor kaya malaki talaga ang nabawas sa kanyang timbang, at litaw na litaw din ngayon ang kanyang jaw line.

Inakala ng iba na nagparetoke si Alden ng mukha para sa pelikula.

Hindi naman si Alden ang sumagot sa isyu ng mga bashers kundi ang mga fans at supporters ng aktor.

Iginiit nilang epektibong diet ang sekreto ng pagpayat ni Alden.

Sa mga naunang interview kay Alden pagbalik niya sa Pilipinas noong Mayo matapos ang isang buwang shooting sa Hong Kong, nabanggit niyang na-enjoy niya ang malaking nabawas sa kanyang timbang, at plano niyang i-maintain na ang pagiging fit and healthy niya sa ngayon.

-Nitz Miralles