HALOS kumpleto na ang cast ng Viva Films movie na Miracle in Cell No. 7, adaptation ng hit Korean movie, na nagpaiyak sa mga nakapanood nito.

Aga, Nadine at Vic

Bukod kina Aga Muhlach at Nadine Lustre, kasama rin sa cast sina Joel Torre, Janno Gibbs, JC Santos, Arjo Atayde, at John Arcilla.

Ang mga huling nabanggit ang makakasama ni Aga sa kulungan bilang mga kapwa bilanggo, dahil makukulong nga siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Nadine naman ang gaganap sa dalaga nang anak ni Aga.

Ang hindi pa lang ina-announce ay ang child actress na gaganap na young Nadine, na mas malaki ang exposure sa movie kaysa aktres.

Timing namang kelan lang, July 4, ay ipinost sa Instagram ng bida sa orihinal na pelikula, si Ryu Seung Ryong, ang litrato ng reunion niya sa gumanap na anak niya sa movie at dalaga na ngayong si Kal So Won nang magkita sila sa Jeju Island.

Sa July 20 na raw sisimulan ni Direk Nuel Naval ang shooting ng Miracle in Cell No. 7, na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

-NITZ MIRALLES