Tatlong umano’y armadong lalaking pinaniniwalaang miyembro ng gun-for-hire group ang napatay ng mga awtoridad sa isang engkuwentro matapos ang ilang oras na negosasyon upang sumuko ang mga ito sa Sto. Tomas, Batangas, noong Sabado ng gabi.

SHOOTOUTvicoy

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang dalawa sa mga suspek na sina Anthony Cube, alyas Omar Cube, 39, Assistant Supervisor sa Alaska company sa San Pedro, Laguna, at Roger Astrera, 42, taga-Infanta, Quezon habang kinikilala pa ang isang kasamahan.

Sa paunang ulat ng pulisya, pinaniniwalaang kaanib ng gun-for-hire syndicate ang tatlong napatay.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Ayon kay Lt. Col. Rey Ochavo, hepe ng Sto. Tomas Police, nagsasagawa ng surveillance ang mga tauhan nito sa Valle Pio, Phase 1, Barangay San Pablo bilang tugon sa report ng mga residente na may namataang mga armadong lalaki sa lugar, dakong 11:30 ng gabi.

Nang makita ang mga armado lalaki, kaagad na tumawag ng back-up ang mga pulis sa mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB), Special Weapons and Tactics (SWAT), at Police Mobile Force Company (PMFC).

Nang mamataan umano ang mga pulis ay kaagad na nag-lock ng pinto sa inuupahang bahay ang mga suspek na sumigaw ng,” Hindi kami susuko, lalaban kami, Allahu Akbar”.

Matapos ang ilang oras na negosasyon ay hindi pa rin umano sumuko ang mga suspek at sa halip ay nagpaputok pa ng baril habang lumalabas sa pintuan at muling isinisigaw ang “Allahu Akbar”.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Tanging mga ballistic shields ang tinamaan ng bala sa panig ng mga awtoridad.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang tatlong cal.45 pistol na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek.

-Lyka Manalo at Fer Taboy