Nasa P10 milyon halaga ng ari-arian ang naabo matapos na masunog ang isang warehouse ng pagawaan ng mga tela at underwear sa Parañaque City, nitong Biyernes ng gabi.
Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Fire Department, nagsimula ang apoy sa bodega ng Metro Index Garments Inc., na nasa Multinational Village, Barangay Moonwalk, dakong 7:51 ng gabi.
Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bodega, na pinag-iimbakan ng sari-saring gamit, kabilang ang mga tela.
Umabot sa ikalimang alarma ang sunog, na nakontrol ng mga bombero bandang 10:08 ng gabi, at idineklarang fireout ni Fire Supt. Pacis, dakong 8:03 ng umaga kahapon.
Wala namang iniulat na nasaktan o namatay sa insidente.
Patuloy na inaalam ng awtoridad ang sanhi ng sunog sa nasabing warehouse.
Bella Gamotea