Halalan sa POC, kinatigan ng IOC at OCA

DESIDIDO si cycling president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na pangunahan at ilagay sa ayos ang liderato ng nagkakagulong Philippine Olympic Committee (POC).

TOLENTINO: ‘Tatakbo ako sa pagkapangulo

TOLENTINO: ‘Tatakbo ako sa pagkapangulo

“Tatakbo po ako sa pagkapangulo ng POC,” pahayag ni Tolentino, kinatawan ng Tagaytay City sa House of Representative sa isinagawang media conference kahapon.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ayon kay Tolentino, nagbigay na ng kanilang tugon ang International Olympic committee (IOC) at ang Olympic Council of Asia (OCA) sa liham ng POC kung saan ang mandato ay magkaroon ng eleksyon ngayong darating na Hulyo 28.

Magkakaroon muna ng Special Board Meeting sa Lunes (Hulyo 8) kasunod ang General Assembly sa Hulyo 18.

“Yes, ‘yung lang yata ang hinintay n’yo. I will definitely run. Para lang matapos na’to,” pahayag ni Tolentino, nakababatang kapatid ni Senator-elect Francis Tolentino.

Apat na posisyon ang nakatakdang punan ng POC, ito ay ang president, chairman at dalawang board members kung saan magpapadala ng kanilang kintawan ang IOC at OCA.

Ipinaliwanag din ni Tolentino, na bagama’t nagsumite na siya ng kanyang resignation letter bilang chairman ng organisayon, siya pa rin umano ang patuloy na chairman hangga’t walang naibobotong bagong chairman.

Kasabay nito, muling nanawagan si Tolentino sa tatlo pang Board Members na nagsabi na magbibitiw sa kanilang posisyon ngunit wala pa umanong isinusumite na written resignation, ito ay sina Jonne Go ng Dragon Boat, Julian Camacho ng Wushu at si Joey Romasanta na dating 1st Vice President.

“ I reiterate my call to those three official who verbally resigned and so far not confirmed in writing. So i reiterate my call for them to keep their words. Mga Filipino tayo. Inaasahan ng mga kababayan natin, lahat tayo, lalo na ang mga sports leaders na mayroon pong isang salita,” ayon pa kay Tolentino.

Samantala, 45 na lehitimong miyembro ang maaring makaboto sa gagawing eleksyon ng POC, kung saan 42 dito ay buhat sa kinatawan ng mga regular na national sports associations (NSA), dalawa sa athlete’s commission at isa buhat sa kinatawan ng IOC.

Annie Abad