ANG nagtanong ng tungkol sa manhood nina Phillip Salvador at James Yap ang binalikan ng followers ni Kris Aquino sa Instagram (IG). Tinawag na rude at bastos ng nagmamahal kay Kris ang walang magawang nagtanong.

Kris

Nagulat siguro ang basher dahil sinagot siya ni Kris ang tanong niya ng, “since wala na kong balak na masilayan pa hanggang kamatayan - care bears na ‘di ba? Kala mo uurungan ko ‘yung tanong noh!”

May isang netizen na maayos na nagtanong kung “does size matter?” na maayos ding sinagot ni Kris.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

“Double meaning ‘to, but sasagot ako. On both counts no. Why? Because it’s really the intelligence, sincerity, integrity and dignity of the man that will make him special. (Yes, pang-Miss Universe ang sagot ko).#kalurx.”

Matutuwa naman si former ex-Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil ipinagtanggol siya ni Kris sa tumawag kay HB na duwag. May nagtanong kasi kung nagkabalikan na sila ni HB o magkakabalikan pa ba ngayong private citizen na ang dating mayor.

Bago pa makasagot si Kris, may humirit na hindi na mangyayari ang balikan nila ni HB at nag-comment pa ng “wag mo siyang ipamigay sa mga duwag.”

Sagot ni Kris, “This is uncalled for. I’ll stand up for HB because kaibigan ko siya. Without naming names (hindi naman siya public figure) there’s someone who was special but Bimb couldn’t find in his heart to forgive nor accept. See, there are chapters in my life I didn’t read out loud. Bimb said no way. Sinong nasunod? My bunso’s well being will always come first. So kung ‘yan ang sukatan, then obviously duwag din ako. #truth.”

-NITZ MIRALLES