Dalawang pulis ang sinibak sa kanilang puwesto matapos silang magpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa Negros Oriental, kamakailan.

POSITIVE

Sa panayam, kinilala ni Negros Oriental Police Provincial Office (Norppo) director, Col. Raul Tacaca, ang dalawa na sina Staff Sgt. Ruel Sinag, ng Siaton Police Station at Corporal Karl Niaga, ng Mabinay Municipal Police Station.

Bukod sa pagkakasibak, dinisarmahan din ang dalawa na kabilang sa 400 pulis na sumailalim sa nasabing pagsusuri na sinimulang isagawa nitong nakaraang Enero ng taon.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Paglilinaw ng opisyal, nitong nakaraang buwan lamang sumailalim sa drug test sina Sinag at Niaga na kapwa nagpositibo sa isinagawang confirmatory test, kamakailan.

Pansamantala aniyang inilapat ang dalawa sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) sa Police Regional Office (PRO)-7 headquarters sa Cebu.

Sinabi nito na iniimbestigahan na rin nila ang dalawa sa kasong administratibo.

Aminado umano ang dalawa na gumagamit sila ng iligal na droga dahil sa iba’t ibang dahilan.

Nagsimula aniyang gumamit ng droga si Sinag nang magkaroon sila ng problema sa pamilya habang si Niaga naman ay nakumbinsing gumamit nito nang madalas umano itong makihalubilo sa mga target ng kanilang operasyon kontra-droga.

-Glazyl Masculino