MAY clamor pala ang GMA Network na muling bigyan ng project sina Rita Daniela at Ken Chan, matapos na maging matagumpay ang love team nila sa afternoon prime drama series na My Special Tatay.

Rita at Ken

Hindi nga natapos ang story nila sa isang season lamang, kasi twice silang na-extend dahil na rin sa request ng netizens na sumubaybay sa serye.

Pagkatapos ng afternoon serye, nagkaroon ng very successful concert ang BoBrey (Boyet at Aubrey) sa Music Museum at patuloy ang paggi-guest nila sa ibang shows ng GMA. At dahil parehong magandang kumanta, regular silang napapanood sa musical program na Studio 7 na eere na tuwing Sabado, pagkatapos ng Magpakailanman.

Pero patuloy pa rin ang request na muling bigyan ng isang serye sina Rita at Ken, kaya naman gagawa ng romantic comedy drama series ang GMA News & Public Affairs, na isu-shoot ang kabuuan sa isang lungsod sa South. Ayaw pa nilang sabihin ang magiging story ng serye pero kukunan daw ito sa isang barko habang naglalayag sa karagatan.

Tsika at Intriga

'Mahal ka palagi ni Lord, Joven!' Nico Waje, host ng 'Customs Check Pilipinas'

Wala na ang tawag sa kanilang BoBrey, makikilala na sila ngayon bilang sina RitKen for Rita and Ken.

-Nora V. Calderon