Napatay ang isang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ng grupo nito ang tropa ng pamahalaan sa Victoria, Oriental Mindoro, nitong Miyerkules.

ENGKUWENTRO

Sa pahayag ni MIMAROPA (Mindoro Oriental and Occidental, Marinduque, Romblon, at Palawan) regional police director, Brig. Gen. Tomas Apolinario, hindi pa rin nakikilala ang nasawing rebelde.

Aniya, ang sagupaan ay naganap nang mamataan ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang tinatayang aabot sa 30 rebelde sa Sitio Pamuwisan sa Barangay Loyal.

15 public schools sa Davao City, nagsuspinde ng face-to-face classes para sa kaarawan ni FPRRD

Paliwanag nito, nakatanggap sila ng impormasyong namataan ang mga rebelde sa lugar.

"The firefight lasted for 25 minutes. There was no casualty on the governmeny side," pahayag nito.

Napilitan aniyang umatras ang mga rebelde nang maramdamang hindi nila kaya ang tropa ng pamahalaan.

Sa isinagawang clearing operations, narekober ang bangkay ng rebelde, kasama ang armas niyang M14 rifle  at isang rolyo ng bala ng machine gun.

-Aaron Recuenco