AFTER engagement nina Angel Locsin at Neil Arce, ang malaking tanong ngayon, kailan naman ang engagement at announcement ng pagpapakasal nina Jessy Mendiola at Luis Manzano?

Jessy at Luis

Matatandaan na kahit ang parents ni Luis, sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at actor Edu Manzano ay naiinip na rin kung kailan magpapakasal ang dalawa dahil tanggap na tanggap naman nila si Jessy para kay Luis.

Three years na rin ang relasyon nina Jessy at Luis at kamakailan lamang ay nag-celebrate sila sa Tubbataha Reefs Natural Park ng kanilang anibersaryo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Part ng post ni Jessy sa kanyang Instagram wall, “I thank God everyday for giving me a good man. A man who will fight for me, take care of me, and see me through the tough times. God knew I needed someone like you in my life.”

Matatandaan na si Angel muna ang naging girlfriend ni Luis bago si Jessy. Meaning, three years ago na pala nang tuluyang maghiwalay sina Angel at Luis. Ngayon nga ay engaged to be married na sina Angel at Neil.

Pagkatapos ng announcement of engagement, nag-post naman si Jessy sa Instagram niya ng, “Happiness (with a red heart emoji) @luckymanzano. Sinagot naman ito agad ni Luis ng three red hearts emoji.

Wait na lang natin kung kailan ang engagement nina Luis at Jessy.

-NORA V. CALDERON