PUMIRMA na si Jon Lucas ng isang taong kontrata sa GMA-7 nitong Lunes kasama ang handler niyang si Katrina Aguila, anak ng manager niyang si Becky Aguila, over all head ng Artist Center na si Ms. Gigi Santiago- Lara at business unit head na si Daryl Zamora.

Base sa IG post ni Jon, “Grateful and blessed! SALAMAT PO AMA!

“Hi friends, I’m now a KAPUSO! GMA, from the bottom of my heart, thank you so so so much! Promise, hindi ko po kayo bibiguin sa binigay ninyo sa aking pagkakataon. “Thank you also to my new management, Becky Aguila Artist Management and GMA ARTIST CENTER! @becky_aguila@katrina_aguila @jkenriquez Tita Gigi, Sir Daryl, Ate Dianne!

“Salamat sa tiwala at pagpapalakas ng loob! Kayo ang kinasangkapan ng Diyos para ituloy ko ang pagtupad sa pangarap ko. Salamat Mama @_regicruz_ sa aking kasuotan!

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Let’s now focus on the outcome, not the obstacle. #KAPUSONASIJON.”

Ayon naman kay Tita Becky, kasama si Jon sa Pinoy version ng Koreanovelang Descendants of the Sun pero hindi pa sinabi sa amin kung ano ang role ng aktor dahil wala pang story conference.

“Magte-training siya sa military, Reg,”saad ng bagong manager ng aktor.

Natutuwa rin si Jon dahil may mga TV guestings na siya sa GMA.

-REGGEE BONOAN