Pinaiimbestigahan na sa pulisya ang pamamaril sa isang himpilan ng radyo sa General Santos City na bumabatikos sa Kapa religious ministry dahil sa pagkakadawit sa investment scam, nitong Miyerkules ng gabi.

SHOOTING

Ipinaliwanag ni Undersecretary Joel Egco, ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), iniutos na nito sa pulisya sa lungsod na alamin ang puno’t dulo ng pamamaril ng mga hindi nakikilalang lalaki sa opisina ng Bombo Radyo na nasa Amao Road, Barangay Bula, dakong 8:30 ng gabi.

Sa paunang report naman ni GenSan Police chief, Col. Alden Agradante, dumating sa lugar ang mga hindi nakikilalang lalaki na sakay ng isang service pick-up at pinagbabaril ang nasabing istasyon ng radyo.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga suspek patungong Bgy. Bula.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal.99mm at .45 pistol.

Aminado naman si Bombo Radyo chief reporter Jojo Bacalanmo na agad itong tumakbo upang magtago nang marinig nito ang putukan habang siya ay nasa programa.

“It was a plain harassment to scare us,” sabi pa nito.

Naiulat na madalas na tinitira ng nabanggit na radio station si Kapa founder Pastor Apolinario dahil sa naturang scam.

Idinagdag pa ni Egco, nais nilang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pag-atake.

-Joseph Jubelag