Mukhang ito na ‘yun, mga Ma’am at Sir!

teachers_black_armband_protest_SONA_pangasinan

Mistulang may tatanawing pag-asa ang mga guro sa mga pampublikong paaralan kaugnay ng matagal na nilang inaasam na dagdag-suweldo, makaraang tiyakin ng Senado na magiging prioridad nito ang mga panukala tungkol sa pagkakaloob ng umento sa mga guro, sa 18th Congress.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang panukalang umento sa mga guro ay ikokonsiderang prioridad sa Mataas na Kapulungan sa pagbubukas ng susunod na Kongreso sa Hulyo 22.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

“Matagal na naming ipinaglalaban 'yong pagtaas ng suweldo ng ating mga teachers sa public sector. It's about time. Itinaas na po namin ang suweldo ng kapulisan, ng AFP, ng mga sundalo natin. It's about time that we also increase the pay for our teachers in public schools,” sinabi ni Zubiri sa mga mamamahayag sa isang panayam nitong Miyerkules.

“We'll try to pass this as soon as possible. As your Majority Floor Leader, I guarantee that we will take it up as a priority measure in the first months of this Congress,” aniya.

Nasa lima ang panukala na naghahangad ng dagdag-suweldo at allowances para sa mga public school teachers na naihain na sa Senado simula nitong Hulyo 1.

Sa kanyang Senate Bill No. 104, ipinanukala ni Zubiri ang karagdagang P10,000 kada buwan sa basic salary ng mga basic education teachers, na babayaran sa tatlong sa tranch.

May kaparehong panukala rin na inihain si Sen. Francis Pangilinan.

Isinusulong naman ni Sen. Juan Edgardo Angara, ang mahigit P17,000 dagdag sa sahod ng mga public school teachers, o mula sa Salary Grade 11 ay itataas sa Salary Grade 19.

May kani-kanilang panukala rin para sa umento sa mga guro sina Senators Nancy Binay at Bong Revilla.

-Vanne Elaine P. Terrazola