Nanindigan si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco pa rin ang ieendorso ng kanilang partido kahit nagpahayag na si Davao City Rep. Paolo "Pulong" Duterte na lalaban din sa House Speakership.

SPEAKERSHIP

Sinabi ngayong Miyerkules ni Pimentel, presidente ng Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), hindi pa rin nagbabago ang pasya ng partido na isabak si Velasco upang maging pinakamataas na lider ng Kongreso.

Binanggit nito na hindi miyembro ng PDP-Laban si Rep. Duterte kaya kinumbinsi na nito ang mga kasapi ng partido sa mababang kapulungan na suportahan pa rin nila si Velasco.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ang ama ni Rep. Duterte na si Pangulong Rodrigo Duterte ay chairman ng PDP-Laban.

“Cong. Pulong Duterte is not a PDP-Laban member. For as long as there are PDP-Laban members aspiring to be House Speaker and they are well qualified to be one then PDP-Laban members should and must consider first supporting their partymate(s),” ang bahagi ng text message ng senador.

Sa hiwalay na pahayag, nilinaw naman ni PDP-Laban Spokesperson Ron Munsayac na iginagalang pa rin nila ang desisyon ni Rep. Duterte sa paghahangad nito na maging Speaker ng Kongreso.

Tiniyak din nito na “nagkakaisa ang kanilang partido sa pagsuporta kay Velasco.

Ntong nakaraang linggo, inindorso ng partido si Velasco bilang kandidato nila sa pagka-Speaker ng 18th Congress na agad namang sinuportahan ng 60 sa 84 na kongresistang miyembro ng  PDP-Laban.

-Vanne Elaine P. Terrazola