Nasa 75 video karera machines ang kinumpiska at winasak ng pamahalaang lungsod ng Maynila at ng Manila Police District (MPD), umaga ngayong Miyerkules.

DURUGIN! Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at MPD Director Vicente Danao ang pagwasak sa 75 nakumpiskang video karera units sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, sa Manila City Hall, ngayong Miyerkules ng umaga. (ALI VICOY)

DURUGIN! Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at MPD Director Vicente Danao ang pagwasak sa 75 nakumpiskang video karera units sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, sa Manila City Hall, ngayong Miyerkules ng umaga. (ALI VICOY)

Ayon kay MPD Chief Brigadier General Vicente Danao Jr., ang dalawang-araw na police operation ay bahagi ng kampanya ng siyudad laban sa mga ilegal na aktibidad.

Sinabi ni Danao na naaktuhan pa nila ang ilang teenagers habang naglalaro ng video karera, pero kaagad din nilang pinalaya ang mga ito.

National

SP Chiz, suportado desisyon ni PBBM para sa courtesy resignation ng mga gabinete

Sa 75 video karera machines na nasamsam, 65 pa ang gumagana.

Pinangunahan naman nina Danao at Manila Mayor Isko Moreno ang pagwasak sa mga motherboard ng nasabing mga makina gamit ang malalaking martilyo, sa Manila City Hall quadrangle, kahapon.

Nilinaw naman ni Danao na hindi kasama sa mga wawasakin ang mga telebisyon dahil maaari pang mai-donate ang mga ito sa mga eskuwelahan.

Ang mga barya naman na nasamsam mula sa mga makina ay ipagkakaloob ng pulisya sa kawanggawa.

Matatandaang bago pa tuluyang naluklok sa puwesto ay tiniyak ni Moreno na isa sa mga tututukan niyang sugpuin sa lungsod ay ang ilegal na sugal.

Kasabay nito, binalaan din niya ang mga pulis na protektor ng ilegal na sugal na tumigil na sa kanilang masamang gawain, dahil tiyak na mananagot sila.

-Mary Ann Santiago