PURING-PURI ni Jaclyn Jose si Andrea Torres, na muli niyang nakasama sa Kapuso seryeng The Better Woman na nagsimula nang mapanood kahapon, dahil nasubaybayan niya ang improvement sa acting ng sexy actress.

Andi at Philmar

Si Jaclyn ang gumaganap na ina ng kambal na karakter ni Andrea, sina Juliet at Jasmine.

Unang nagkasama sina Jaclyn at Andrea sa Millionaire’s Wife, pagkatapos ay sa Alyas Robin Hood 1 at 2.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bida rin sa The Better Woman si Derek Ramsay, na unang nakatrabaho ni Jaclyn sa Secret Affair.

Speaking of Better Woman, kahit pala puwedeng humingi ng cut-off sa taping si Jaclyn ay hindi raw niya ito ginagawa.

“Six years na ako sa GMA at naging mabait sila sa akin, hindi nila ako pinababayaan na walang project,” sabi ni Jaclyn.

“Bakit naman ako hihingi ng cut-off? Kaya ko naman.

“Happy ako na balik-drama muli ako rito. Hindi na namin nakikita ang Maynila, kasi ang location namin, sa beaches sa La Union. Pero ngayon, sa Laiya Beach sa San Juan, Batangas na lang kami nagti-taping.

“Parehong malayo, kaya hindi na kami umaalis doon kapag nag-taping kami. Enjoy nga kami dahil naroon lamang kami, kaysa magpabalik-balik sa Manila,” kuwento pa ni Jaclyn.

Jaclyn

Nabanggit din ni Jaclyn na masaya siyang magkakaroon muli siya ng apo kay Andi Eigenmann. Eight years old na kasi si Ellie, ang anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito. Madalas na nasa kanya ang apo.

Biniro si Jaclyn kung magpapakasal na si Andi sa surfer boyfriend nitong si Philmar Alipayo, na ama ng isisilang ng dating aktres.

Sinabi naman ni Jaclyn na hindi pa raw mangyayari ang kasalan soon, at inaming kahit siya ay ayaw munang magpakasal si Andi.

Aniya, ayaw daw munang bumalik ni Andi sa showbiz. Mas gusto raw muna nitong alagaan si Ellie at ang coming baby, na isisilang nito this July.

Nabanggit kay Jaclyn si Eddie Garcia, at binanggit ng aktres na may ginawa silang movie ni Manoy Eddie na hindi pa naipalalabas, ang Circa.

Meaning, dalawa pala ang naiwang movies ni Eddie na hindi pa naipapalabas. Ang isa pa ay iyong action-comedy movie na tinapos niya sa Viva Films with Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla, at dinirek ni Al Tantay.

-Nora V. Calderon