WHO’S excited to see Joy and Ethan?

KATHRYN

Hindi na magkamayaw ang fans sa kanilang pananabik na mapanood ang global release ng “#HelloLoveGoodbyeTRAILER”.

“Hihinto ka ba para sa kanya?” kantiyaw ng Star Cinema sa Twitter.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang inaabangang trailer ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay ieere sa timeslot ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Idinirek ni Cathy Garcia-Molina, minarkahan ng Hello, Love, Goodbye ang unang  pagtatambal ng pinakamalalaking talent ng ABS-CBN at GMA sa isang proyekto.

kapwa kabilang sina Kath at Alden sa nangungunang love team sa bansa. Kamtabal ni Kathryn si Daniel Padilla KathNiel, habang si Alden naman ang other half sa AlDub katambal si Maine Mendoza.

Ang “#HelloLoveGoodbyeTRAILER” ang isa sa mga trending topics sa Pilipinas, at pumapangalawa sa listahan as of press time. Sinimulan ng main cast ang kanialng world tour sa ginanap mall show sa South Park Alabang nitong nakaraang linggo.

-Regina Mae Parungao