Dalawang hinihinalang miyembro ng komunistang grupo ang nasawi sa engkuwentro sa mga sundalo sa Camarines Sur, nitong Lunes.

Sa ulat ng militar kahapon, tinukoy ang dalawang suspek na sina Roni Abellada Boncolmo alyas "Jake", 45, sinasabing commanding officer ng Komite Seksyon sa Platun1 ng Larangan 2, Komiteng Probinsya 1 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC); at isang alyas "Oris".

Rumesponde ang mga miyembro ng 9th Infantry Battalion (9IB) ng 9th Infantry Division (9ID), Philippine Army at Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) sa isang sumbong ng concerned citizen hinggil sa presensiya ng mga armadong rebelde sa Barangay San Vicente sa Lupi, bandang 12:30 ng gabi.

Naabutan ng mga tropa ang nasa 15 armadong suspek, na nauwi sa 30-minutong bakbakan.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang anim na 5.56mm M16 rifles, isang 5.56mm M653 rifle, isang anti-personnel improvised explosive device (IED), at mga materyales sa digmaan, at ilang dokumento.

-Martin A. Sadongdong