Sugatan ang isang intel cop makaraang bugbugin at tangayan ng baril ng dalawang hinihinalang holdaper, habang nagsasagawa ng surveillance laban sa mga robbery at carnapping incidents sa Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal, nitong Linggo.

MAULING

Nilapatan na ng lunas sa ospital at nasa mabuti nang kalagayan si Patrolman James Sangao, 29, miyembro ng intel operatives ng Antipolo City Police.

Arestado arestado naman sina Gerald Fabros at Elvis Mendoza, kapwa nasa hustong gulang, at residente sa naturang lugar.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong 6:00 ng umaga nang mangyari ang insidente habang nagsasagawa ng surveillance ang pulis sa Marcos Highway sa Bgy. Mayamot, hinggil sa serye ng robbery at carnapping incidents sa lugar.

Natiyempuhan naman umano ng mga suspek ang biktima sa lugar at binugbog ito.

Dahil dalawa ang nakalaban, nadaig ng mga suspek ang biktima at tinangay ng mga ito ang .9mm caliber Beretta pistol ng pulis, na may serial number na M01144Z, saka tumakas.

Naisugod naman ng mga concerned citizen sa pagamutan ang biktima habang nagsasagawa ng follow-up operation ang kanyang mga kasamahan sa lugar, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nabawi rin ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang kanyang baril, at nakumpiskahan din umano ang mga suspek ng apat na pakete ng hinihinalang shabu.

-Mary Ann Santiago