Kumbinsido si Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate na pipiliin pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pambato nito para maging House Speaker.

SPEAKERSHIP

Sinabi ni Zarate na nagkakaroon pa rin ng pagtatangka ang pangulo upang impluwensiyahan ang pagpili ng magiging pinakamataas na posisyon sa kongreso.

"I think directly or indirectly, in the end, Digong will still pick his own man knowing that the last three years [of his term] will be crucial for his presidency. Dapat ‘yung manalong Speaker may utang ng loob sa kanya that he can collect when the time comes," pahayag nito.

Metro

Mandaluyong, nakamit ang 100% rating sa child-friendly local governance audit

Matatandaang karamihan ng mambabatas sa 18th Congress na nagpahayag ng paghahangad na maging House Speaker, ay kaalyado ng pangulo, maliban lamang kay Zarate.

Nitong nakaraang linggo, inihayag ni Duterte na magiging neutral  lamang ito sa pagpili ng magiging Speaker upang hindi aniya masasaktan ang dadamdamin ng ibang kongresista.

Kabilang sa mahigpit na nag-aagawan sa nabanggit na posisyon sina Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) member at Marinduque lone district Rep. Lord Allan Velasco, at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) president, Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez.

Si Velasco ay kaalyado ng pangulo habang si Romualdez ay kadikit naman nito.

Nangako naman si Zarate na itutuloy pa rin nito ang palno nitong sumabak sa Speakership.

"Yes (I will push through with it). It's both to raise the level of discourse in the Speakership race and to make a political statement that there is an alternative to this patronage system that afflicts our politics," pahayag nito.

Inaasahang magkakaroon ng botohan para sa nasabing pposisyon sa Hulyo 22, na kasabay ng State of the Nation Address ng pangulo.

-Ellson A. Quismorio