Hindi makikialam ang Malakanyang sa trabaho ng Office of the Ombudsman.

OMBUDSMAN

Ito ang tiniyak ni Presidential spokesperson Salvador Panelo  kasunod na rin ng pagbawi ng anti-graft agency sa isinampa nilang kasong graft at usurpation of official functions laban kay dating pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng Mamasapano massacre na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force, noong Enero 25, 2015.

Malaya aniya ang Ombudsman na ipatupad ang constitutional duty nito.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

"The Palace doesn’t interfere with the other branches of the government as well as constitutional bodies. They have their assigned constitutional functions. They should freely perform their given constitutional tasks without interference from anyone or entity," paniniguro ni Panelo.

Sa isang mosyon na pinirmahan nitong Hunyo 24 at matapos pag-aralan nang husto ang kaso, nanindigan si Ombudsman Samuel Martires na walang sapat na ebidensiya upang kasuhan si Aquino.

Noong Hulyo 2017, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibabasura lamang ang mga kaso laban kay Aquino dahil pawang mali ang naisampa ng Ombudsman.

-Argyll Cyrus B. Geducos