SA grand mediacon ng newest teleserye ng GMA na The Better Woman, starring Derek Ramsay and Andrea Torres, sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz, tipong na-elya kami sa ipinakitang love scenes ng dalawa sa teaser ng serye.

andrea

Kaya naman nang maka-one-on-one ni Yours Truly si Andrea ay niratrat ko siya ng mga katanungan, na mostly ay may kinalaman sa sizzling hot love scenes nila ni Derek.

Alin sa mga sizzling hot love scenes nila ni Derek ang na-turn on si Andrea? Nagulat na natawa siya, “Hindi naman ako nakaramdam ng ganun! ‘Yung ganu’ng personal na bagay. Dapat isipin ko lang na trabaho lang ‘yon. Siyempre dapat professional ka.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Iba ‘yung para makarating ka sa ganu’ng level. Saka may respect ako sa kanya. Siya rin ganu’n sa akin.”

Sa love scenes may respect talaga?

“Opo. Meron at meron.”

Describe Derek in one word.

“In one word? Humble. Humble siya. Saka parang normal na tao na nakakahalubilo mo. Parang friends lang, ‘yung ganu’n. Hindi mo mapi-feel na…na nasa utak niya yung pagiging artista or pagiging actor niya.”

Para kay Andrea, anong qualities ang dapat meron para masabing “better woman” ang isang babae?

“For me…ang better woman siguro ‘yung pure ‘yung intentions and good person!”

At hindi mang-aagaw ng asawa ng may asawa, ganernn?

“Pero dito kasi sa Better Woman serye namin, hindi ka makakapili kasi. Makikita mo kung bakit ginagawa ng isa ‘yung gawa niya, na ano ba ‘yung pinaghuhugutan niya. Ano ba ‘yung struggles niya?”

Bakit amay mga tao na meron nang partner in real life, natutukso pang umibig at magmahal sa iba?

“’Yun ang hindi ko alam, Tita. Kasi ako, sa experience ko, once na nag-commit ako sa isang tao, nasa kanya na talaga ‘yung utak, puso at attention ko. So hindi ko talaga alam.” Basta panonoorin na lang namin ang The Better Woman serye n’yo ni Derek para malaman din namin kung paano ba maging isang “better woman”. Boom, ‘yun na!

-MERCY LEJARDE