Tatlong menor de edad, kabilang ang dalawang estudyante ng Alternative Learning System (ALS) at isang of-school-youth, ang dinampot ng mga awtoridad matapos silang mahulihan ng marijuana sa Barangay Zapote IV, Bacoor City, Cavite, nitong Sabado ng madaling araw.

DAMO

Ang mga suspek na sina Marcherrie, 15, Jason, 16, at Jhon, 15, (pawang hindi nila tunay na pangalan), ay taga-Bgy. Zapote IV.

Paliwanag ni Staff Sergeant Alih Rimbang, may hawak ng kaso,

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

ang mga suspek ay dinala ng mga tanod sa kanilang presinto nang mahulihan sila ng anim na plastic sachet ng ‘damo’ habang sila ay nagpa-pot session sa Tramo, dakong 1:30 ng madaling araw.

Ang tatlo ay nakatakdang dalhin sa City Social and Welfare Development Office upang makupkop.

Inihayag ni Rimbang, posibleng makasuhan ang tatlo ng paglabag sa Republic Act 9165, Section 11 o pag-iingat ng iligal na droga.

-Anthony Giron