Magtataas ng mahigit piso ang kada litro ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa taya ng industry players ngayong Sabado, aabot sa P1.15 hanggang P1.35 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina.

Nasa P0.80-P1.00 naman ang taas-presyo sa diesel, habang P0.95-P1.15 naman sa kada litro ng kerosene.

Inaasahang ipatutupad ang panibagong oil price hike sa Martes, Hulyo 2.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng presyuhan sa pandaigdigang merkado, ayon sa Department of Energy (DoE).

Myrna M. Velasco