CO-PRODUCED pala ng Viva Films at Ten 17 Productions ang bagong pelikula ni Bela Padilla na Maanita, directed by Paul Soriano at sinulat ni Lav Diaz. Ang ganda na agad ng feedback sa netizens ng collaboration nina Bela, Direk Pau at Lav.

Bela

Ang nakatutuwa, walang nagtatanong kung ano ang story ng nasabing pelikula at kung sino ang kanyang mga kasama. Sa inilabas na parang poster ng movie, title lang at mukha ni Bela ang nakalagay.

Samantala, may mga kinilig na fans nang mabasa ang pangalan ng author na si Michael Faudet, isang New Zealander author, na nag-comment sa Instagram (IG) ni Bela. Actually, walang sinabi si Michael Faudet, binanggit lang ang pangalan ni Bela at nagpasalamat naman si Bela.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Ilan sa mga librong isinulat ni Michael Faudet ang Dirty Pretty Things, Bitter Sweet Love, Smoke & Mirrors at Winter of Summers. Nakalagay sa Wikipedia na si Michael Faudet ay asawa o partner ni Lang Leav na isa ring mahusay at sikat na awtor.

-NITZ MIRALLES