PILIT na itinatanggi ni Derek Ramsay na ang leading lady niyang si Andrea Torres sa seryeng The Better Woman ang dahilan ng paghihiwalay nila ng ex-girlfriend niyang si Joanne Villablanca, after six years.

Andrea at Derek

Base sa nakita naming larawan nina Derek at Andrea na kasama ang tatay ng aktor at manager nitong si Jojie Dingcong ay galing sila ng General Santos City at pinabaunan sila ng malalaking tuna ni Jinkee Pacquiao.

Ang caption ni Jojie sa naturang litrato: “Omg! Magandang #Gensan #TunaHereWeCome ! Thank you so much for your sweet thoughtfulness our dearest love @jinkeepacquiao from all of us @ramsayderek07 @andreaetorresand of course moi ! Thank you too my dearest @janetjamora. Thanks twin!! #JLDmanagement#itsmorefuninphilippines #jojiedtravels#sashimiparty #sashimi #tuna#TunaCapitalOfThePhilippines.”

Drew Arellano, nag-research muna bago 'nagpakapon'

Baka may promo tour ang dalawang bida ng The Better Woman kaya sila nasa GenSan. May sitsit naman na sumakto ang titulo ng serye nina Derek at Andrea sa kanila dahil bagay sila.

‘Yun na!

-REGGEE BONOAN