NAGPATULOY ang pananalasa ni International Master (IM) Ricardo “Ricky” de Guzman sa local shore mataos tanghaling over-all champion sa katatapos ng 7th leg ng National Executive Chess Championships na tinampukang Grandmaster Rosendo Balinas Jr. chess cup nitong Sabado sa Activity Hall, Alphaland Makati Place, Ayala Avenue sa Makati City. Ang Antipolo City, Rizal pride na si De Guzman na hindi makakalimutan matapos magkampeon sa 1981 Asian Junior Chess Championships sa Dhaka, Bangladesh na nakopo ang outright IM title ay may mas mataas na tie break kontra kay International Master (IM) Petronio Roca ng Dasmarinas City, Cavite tungo sa coveted Open Chess title.
Sina IM De Guzman at IM Roca ay pareho nakapagtala ng 5.0 points sa anim na laro ng one-day Rapid event na suportado ni engineer Antonio "Tony" Carreon Balinas sa pakikipagtulungan ng Alphaland Corporation na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) under ng leadership ni president Dr. Jenny Mayor at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
“Again I would like to dedicate my victory to my family, relatives and friends, sambit ni IM De Guzman na sariwa pa sa pagkampeon sa Open Kitchen Chess Tournament na ginanap sa Open Kitchen P. Tuazon Boulevard, Barangay Kaunlaran sa Cubao, Quezon City nitong Hunyo 18 sa event hosted ni New York Chess League top honcho/boss Nonoy Rafael sa pakikipagtulungan nina China Aurelio, John Gomez at Popo Martinez ng Open Kitchen at ni Jeff Dimalanta.
Nagpakitang ilas din si 8-times Illinois USA Champion International Master Angelo Young matapos makaungos kay 7-times Philippine Executive Grandprix Champion Dr. Jenny Mayor sa 35 moves ng Slav defense tangan ang black pieces.
Si IM Young, ang country's representative sa World Seniors Chess Championship mula November 11 hanggang 24 sa Bucharest, Romania ay tumapos ng solo third na may 4.0 points.
Ang mga nakapasok sa top 15-circle ay sina Fernandez, NM Bagamasbad, Lloyd Lanciola, Benjamin Dy, National Master (NM) Robert Arellano, Dr. Jenny Mayor, engineer Arjoe Loanzon, Agripino Camposano, lawyer Melzar Galicia, engineer Ravel Canlas, Joseph Navarro at Professor Rey Reyes.
-Marlon Bernardino