Nagmungkahi si Sen. Raffy Tulfo kung ano rin ang dapat pag-usapan sa mga ginagawang pagpupulong ng parent-teacher associations (PTA) sa mga paaralan.
Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Miyerkules, Hulyo 1, sinabi ni Sen. Tulfo na bukod sa mga proyekto, dapat din umanong pagtuunan ng PTA ang development ng bata.
Kaugnay ito ng shooting incident sa Tacloban na kinasangkutan ng dalawang menor de edad na namaril ng sa loob ng kanilang paaralan.
“Every time na magkakaroon ng PTA meeting, ang palaging pinag-uusapan sa mga eskwelahan ay kung anong project ang pwede nilang aksyunan at pwedeng pagkontribusyunan na para magawa ‘yong project sa eskwelahan na ‘yon,” saad ni Sen. Raffy.
Dagdag pa niya, “Dapat sa PTA meeting, ang pinag-uusapan ng mga magulang at guro tungkol sa child development; tungkol sa behavior ng bata whether sa bahay o sa school.”
Kaya simula ngayon, anang senador, ito dapat ang direksyong sinusunod ng lahat ng paaralan sa bawat PTA meetings na ginaganap.
Bukod dito, nirekomenda rin ni Sen. Raffy na mas tuklasin pa ng mga paaralan ang paglulunsad ng mga structured discipline program, tulad ng supervised bootcamps at immersion program na makakatulong sa pag-unawa ng bata sa posibleng parusang maipataw sa kasalanang gagawin nito.
Maki-Balita: Matapos insidente ng barilan: Sen. Robin, tinalak special session para sa 'Juvenile Justice Act!'
Maki-Balita: Radicalization ng internet sa kabataan, ‘di na kailangang pag-aralan?—Sen. Robin